WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Tsugi sa Davao landslide 68 na

Umakyat na sa bilang na 68 ang nasawi sa landslide sa Brgy. Masara sa bayan ng Maco sa Davao de Oro.

Ito ay matapos matagpuan ang 14 pang bangkay mula sa bilang na 54 nitong Linggo ng gabi, batay sa pinakahulling datos ng Davao de Oro PLGU nitong Lunes, alas 5:00 ng hapon.

Ayon kay Lea Añora, unit member ng Management of the Dead and the Missing (MDM) marami sa mga nasawi ay nakilala na rin.

Sinabi nitong, 26 sa mga namatay ay mga empleyado ng Apex mining at nakuha ang mga ito sa nahukay na bus habang 42 naman ang residente sa Zone 1 ng Barangay Masara.

Lima sa mga nakuhang bangkay ang hindi pa nakikilala.

Bumaba naman sa 51 ang nananatiling missing.

(Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on