WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Ex-gov’t exec inintriga sa yate

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating opisyal ng gobyerno na inintrigang nagpayaman sa puwesto?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, hindi raw mayaman ang pamilya ng dating opisyal na bansagan nating si “Em”. Eh paano naman kasi, nakapagtapos lang daw ito ng kolehiyo sa tulong ng kanyang lola.

Dahil sa mga koneksyon ng asawa, nakakuha ito ng proyekto sa isang lalawigan sa Central Luzon kung saan dito raw ito tumabo nang milyon-milyong piso.

Ang ipinagtataka ng marami, paano raw naging henyo sa pagnenegosyo si Em eh gayung hindi naman business o economics ang tinapos niya sa kolehiyo.

Nagpatuloy daw ang paglago ng proyekto ni Em hanggang sa magtrabaho ito sa isang government-owned and controlled corporation (GOCC).

Hindi nagtagal, nakabili na ito ng yate at sangkatutak na mga private property sa ibat-ibang panig ng bansa. Aba’y gusto yatang sumakay na lang ng yate sa pagbisita nito sa kanyang mga property.

Kahit natanggal na ito sa trabaho, hindi naman luhaan si madam dahil ika nga, hindi lang quota, sobra-sobra pa ang kinita nito sa mga proyekto at pagtatrabaho sa gobyerno.

Clue: Ang dating opisyal ng gobyerno ay may asawang butanding este balimbing.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on