WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Esmi ng ex-gov’t exec nambato sa hotel

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong asawa ng isang dating opisyal ng gobyerno na nambato sa mga intern ng isang hotel?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, nagbakasyon daw kasi ang mag-asawa sa Baguio City upang magpalamig.

Dahil pagod sa biyahe, gusto ng mahaderang misis na makapasok agad sa kanilang kuwarto upang makapagpahinga.

Ang problema, maaga silang dumating at hindi pa ready ang kuwarto dahil kaaalis lamang ng dating gumamit nito.

Nagpumilit daw si misis na makapasok sa kuwarto kahit hindi pa tapos ang paglilinis. Pagpasok niya sa loob, aba’y sinabon nang walang banlawan ang mga intern at hindi man lang pinigilan ng kanyang mister na isang dating government official.

Ang matindi, sa tindi ng galit ay binato pa ang mga intern. Buti na lang, tissue paper lang ang nadampot nito dahil kung nagkataon na plato o baso ay baka nagkabukol pa ang mga pobreng manggagawa.

Tinapos daw agad ng mga intern ang paglilinis sa takot na baka makadampot ng walis tingting si misis at ihampas sa kanila.

Clue: Sinibak sa trabaho ang dating government official dahil sa kaliwat-kanang kontrobersya habang ang misis nito ay masusuntok mo sa panga sa sobrang angas.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on