WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Ex-gov’t exec kumanta sa chinurva nang malasing

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating dating opisyal ng gobyerno na ibang klase kung malasing dahil binubuking ang mga dating nakarelasyon?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, niyaya raw itong dating opisyal ng gobyerno sa inuman ng ilan niyang kamag-anak. Bansagan natin siyang si Mr. D.

Itong si Mr. D, pala-kuwento hinggil sa mga nakaraan niya sa buhay. Kampante naman siya dahil wala namang mga Marites sa kanyang paligid dahil mga kamag-anak niya ito.

Ang problema, nung nakarami na ng tungga ng brandy, medyo naging mainit na rin ang topic ng kuwentuhan ng boys.

Si Mr. D, kumasa sa pag-reveal kung sino-sino ang dumaan sa kanyang palad. Mayroon daw siyang hindi makakalimutan na nakatrabaho dahil minahal niya ito nang husto.

Bago raw siya nagpakasal ay tinesting niya muna ang babae kung talagang mahal niya ito o dala lamang ng libog. Hindi kalaunan ay naging misis daw niya ito.

Ang classic nito, sa kalasingan ni Mr. D, ibang babae ang kanyang binabanggit at hindi `yung pangalan ng kanyang misis ngayon. Nabisto tuloy ng mga kamag-anak ang kanyang sikreto.

Clue: Ang dating government official na nagbuking ng sikreto nang malasing ay ilang beses nang inudyukan na tumakbong senador.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on