WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Grade 8 sinipa ni titser

Namimiligrong masibak sa trabaho ang isang 24-taon nang guro sa isang pampublikong paaralan matapos saktan, hilahin at sipain ang isang 14-anyos na Grade 8 student na ikinairita naman ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa Cebu City.

Ayon kay Atty. Vilpa Villabas, Attorney III DepEd-Cebu City Legal Office, pinapairal ng ahensya ang “zero tolerance to any form of maltreatment of students” kaya sa ngayon ay nanganganib ang lagay ng guro kung saan anumang klaseng abuse, physical, mental, psychological, emotional abuse na ginawa sa isang mag-aaral ay mahigpit na ipinagbabawal.

Nabatid na humingi na ng kapatawaran ang guro sa estudyante at hindi umano niya napigilan ang emosyon sa pananakit sa bata subalit hindi sang-ayon ang mga magulang ng biktima kaya isasailalim pa sa imbestigasyon ang kaso.

Nabatid na maliban sa nangyari ay wala namang naging bad record ang hindi na pinangalanang guro.

“The teacher sincerely asked for an apology. Being a teacher and a leader in the community, he affirmed that he has committed certain act which was contrary to the prevailing policy in DepEd” ayon kay Atty. Villabas.

Nabatid na nakuhanan ng video ang pananakit ng guro sa estudyante na naganap noong Feb. 16 hanggang sa maipakita sa school prinsipal ang pangyayari.

Ayon kay Dr. Cindy Perigo, Don Sergio Osmeña Memorial National High School principal, maituturing itong isolated incident at nakausap na nila ang magulang ng estudyante at ang guro para marinig ang dalawang panig at nagkaroon din ng pagpupulong sa pagitan ng DepEd lawyer, school principal, at guidance counselor.

Isasailalim din sa debriefing at psychological intervention ang naabusong estudyante.

(Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on