WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Night market sa Zambo tinatambayan ng mga paniki

Pansamantalang isinara ang isang night market sa Zamboanga City matapos maglipana rito ang napakaraming paniki tuwing umaga.

Dahil dito’y abot sa 100 stall owner ang mawawalan ng kita kapag nagpasya ang pamahalaang lungsod na suspendihin muna ang operasyon ng Rizal Night Market sa Pettit Barracks dahil sa banta sa kalusugan na dala ng mga paniki.

Sa ulat, nagtutumpukan ang mga paniki sa mga puno ng acacia tuwing alas-sais ng umaga.

Sinabi ng Office of the City Veterinarian (OCV) na kailangan munang suspindihin ang operasyon ng night market dahil walang garantiya na ligtas sa mga viral disease ang mga paniki tulad ng Ebola virus.

Sinabi ni OCV Head, Dr. Mario Arriola na sa paraang ito ay mabibigyan aniya ng pagkakataon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na masuri ang mga paniki at matukoy kung ligtas ang mga ito sa anumang mapanganib na sakit.

Samantala, pag-aaralan ng konseho ng lungsod ang rekomendasyon ng OCV na suspendihin muna ang operasyon ng night market hanggang hindi siya nakasisiguro na walang magiging banta sa kalusugan ang paglipana ng mga paniki sa lugar.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on