WebClick Tracer

METRO

Binata tinadtad ng bala sa eskinita

Dead on the spot ang isang binata matapos paulanan ng bala ng baril ng hindi pa nakikilalang lalaki sa eskinita ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Limang bala ng ’di pa batid na kalibre ng baril ang tumama sa katawan ng biktimang si Rexie Catahay, tubong Nueva Ecija at taga-Talanay Area C, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Batay sa pagsisiyasat ni PCpl Wilbur Ramos, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang krimen alas-9:50 ng gabi nitong Linggo sa Masaya St., Brgy. Batasan Hills.

Sa pahayag ng saksing si Joe Salonga, nasa bahay siya nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang tingnan umano niya ang pinanggalingan ng mga putok ay nakita niya ang duguan at nakahandusay nang katawan ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya mula sa mga CCTV ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa nangyaring krimen. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on