WebClick Tracer

NEWS

Comelec, pinagpapaliwanag sa P17.9B vote counting contract

Iginiit ng Election watchdog na Democracy Watch Philippines (DWP) sa Commission on Election (Comelec) ang napakaraming katanungan na hindi pa naliliwanagan ng publiko matapos ang ginawa nitong pag-award sa may P17.9B vote counting contract sa Miru Systems Co. Ltd., isang South Korean firm para sa 2025 midterm election.

Ibinabala ng DWP ang hindi magandang track record at ang ipinanukalang system ay iligal at maari nitong ilagay sa panganib ang darating na halalan.

“The legitimacy of Miru’s proposed technology is a critical cause for concern, as everything indicates that their Automated Counting Machines (ACMs) have never been used in any election before. Since the post-qualification evaluations began, Democracy Watch has repeatedly asked whether the exact same ACM has ever been deployed in an election, as required by law,” ayon kay Democracy Watch Philippines Convenor Lloyd Zaragoza.

Sinabi ni Zaragoza na hindi sila kuntento sa mga naging paliwanag ng Comelec.

Una nang inamin ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ang Automated Counting Machine na ipinrisinta sa post-qualification evaluation ay prototype at hindi pa nasusubukan sa halalan.

Bukod dito, sinabi ng Democracy Watch nanatiling hindi nareresolba ng Comelec ang mga katanungan kaugnay sa performance ng mga ACM ng Miru sa ibang mga bansa gaya ng Democratic Republic of the Congo (DRC) na nagkaroon ng pagkaantala sa botohan, kaguluhan at ang pagguho ng tiwala ng publiko sa halalan.

Iginiit ni Zaragoza na hindi naipaliwanag mabuti ng Comelec kung talagang tagumpay ang ginamit nitong teknolohiya. (Juliet de Loza -Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on