WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Ex-cong wapakels sa maduming pera

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating kongresista na lumabas ang pagiging gahaman sa pera dahil kahit lukot at madumi na, ibubulsa pa rin niya ito?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, itong dating mambabatas ay kumain daw sa isang restaurant sa Makati City kasama ang isang dating hubaderang model ng magasin.

Habang kumakain, hindi niya namalayan na nahulog ang bente pesos niyang papel sa sahig.

Ilang beses na raw itong natapakan ng mga dumadaan na customer at waiter saka pa lamang napansin ng isang customer sa kabilang table.

Pinulot daw ng lalaki ang bente pesos at isinauli sa dating kongresista. Akala ng taong nagmagandang-loob, tatanggihan ito ng mambabatas at ibibigay na lamang sa kanya dahil nalukot na ito at nadumihan pa.

Nagulat na lang ito nang kunin ng dating kongresista at ipinasok sa kanyang bulsa. Hindi man lang daw ito nag-thank you sa nakapulot.

Ang ikinadismaya ng lalaking nagmagandang loob, kahit na maruming pera ay tatanggapin ng dating mambabatas. Hindi na umano siya nagtataka kung madalas tumanggap ang ex-solon ng dirty money tulad ng galing sa jueteng at iba pang ilegal na paraan.

Clue: Ang dating kongresista na binulsa kahit ang maruming bente pesos ay may kapangalan sa sikat na theme park.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on