WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Ginagamit pangholdap! Bentahan ng PNP uniform tinutukan

Hihigpitan na ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iinspeksyon sa mga tindahan na nagbebenta ng mga uniporme ng pulis matapos ang isa na namang pagnanakaw sa pawnshop sa Koronadal City, South Cotabato kung saan suot ng dalawa sa anim na mga suspek ay uniporme ng pulis.

“With this incident, I directed already aside from being a regular activity, ire reemphasize natin ulit that they should be strict in implementing this provision of the law and also we will be watchful of these stores,” pahayag ni PNP chief Gen. Benjamin Aconrda Jr. sa press briefing kahapon sa Camp Crame.

Nauna rito, itong Pebrero 21 ng umaga ay makikita sa CCTV camera na nilooban ng anim na armadong suspek ang Agencia Brillantes Pawnshop kung saan unang pumasok ang dalawang armadong lalaki na naka-police athletic uniform.

“May mga nakuhanan na tayo na mga statements identifying the suspects and we have some leads,” dagdag pa ni Acorda.

Magbibigay naman ng P500,000 pabuya ang Local Government Unit, ng Koronadal City para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon para sa ikakadakip ng mga suspek. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on