WebClick Tracer

METRO

iPhone shop kinana ng 2 tandem

Tinutugis ng Cavite police ang dalawang riding in tandem na nangholdap sa isang gadget store at tinangay ang mga mamahaling cellphone sa Carmona City, Cavite Linggo ng hapon.

Ang mga suspek ay magkaangkas sa isang dilaw na motorsiklong MIO. Ang driver ay naka-brown jacket, blue na helmet at maong pants at ang backride nito ay nakasuot ng green jacket, maong pants at pink na helmet.

Ang isa pang magkaangkas sa isang itim na motor ay nakapulang jacket ang driver, itim na pantalon at pink na may violet na helmet habang ang angkas nito ay nakaitim na jacket at pantalon, pulang helmet.

Sa reklamo ng biktimang si alyas ‘Irish’, negosyante at may-ari ng isang gadget store sa Barangay Mabuhay, Carmona City, kay Police Staff Sergeant Charles Virtudez, ng Carmona Component City Police Station, alas-12:09 kamakalawa ng tanghali nang naganap ang panghoholdap sa PIA Gadget Store.

Base sa kuha ng Closed Circuit Television (CCTV), pumasok ang apat na suspek sa nasabing tindahan kung saan isa sa suspek ang naglabas ng di nabatid na kalibre ng baril, tinutukan ang cashier at nilimas ang mga iPhone at iba pang gadget sa loob ng shop.

Pagkasamsam sa mga cellphone, agad na sumakay ang apat sa dalawang motorsiklo at tumakas.

Hindi naman binanggit sa ulat kung ilang iPhone ang tinangay ng mga suspek. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on