WebClick Tracer

METRO

Jobless dinedo sa LRT station

Todas ang 30-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pinagtripang pagsasaksakin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Paul Glenn Olavario Oro, walang trabaho, ng Brgy. Loyola Heights, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Jojo Antonio, nangyari ang insidente alas-10:50 ng gabi sa entrance ng LRT Line 2, Katipunan Station east bound., sa Aurora Blvd., Brgy. Loyola Heights, sa lungsod.

Batay sa testimonya ng security guard ng LRT Line 2 Station, na si Jayson Amo, nag-iinspeksyon siya sa kanyang lugar nang mapansin niyang hinabahol ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang biktima.

Nang makorner ang biktima, dito na pinagbubugbog at pinagsasaksak ng grupo ang biktima.

Sinita ni Amo ang mga suspek kaya mabilis na tumakas ang mga ito dala ang patalin na ginamit sa pananaksak.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on