WebClick Tracer

METRO

P4M plantasyon ng marijuana winarak

Nasa may 19,500 piraso ng `fully grown marijuana plants’ na nagkakahalaga ng halos P4 milyon o kabuuang P3.9 milyon ang sinira ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR) sa may 8,000 square meter lupain kamakailan sa Sitio Bana, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-CAR kaugnay sa minimintinang marijuana plantation ng isang Arturo.

Matapos makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera, ay ikinasa ang Operation `BANA-02’ at nagpunta sa lugar ang mga awtoridad para arestuhin si Arturo.

Nalaman na gumamit pa ng drone ang NBI-CAR para matukoy ang iba pang marijuana plantation sa lugar.

Hindi naman nakita sa lugar si Arturo nang isagawa ang operasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on