WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Pagpaslang sa ABC prexy kinondena

Kinondena ni House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagpaslang sa pangulo ng Association of Barangay Captains ng Isabela City, Basilan noong Linggo ng gabi.

“Hustisya ang ating panawagan sa pagpatay kay Kapitan Franklyn Tan. Pag pinalagpas natin ito, lalong lalakas ang loob ng mga nais maghasik ng kasamaan at karahasan sa lalawigan ng Basilan. Hindi takot at pangamba ang sagot natin dito kundi pagtugis sa may-sala at katarungan!” sabi ni Hataman.

Si Tan, kapitan ng Barangay Seaside ay pinagbabaril ng riding in tandem sa tapat ng Puerta Del Ciudad Hotel sa Nunez Extension, Zamboanga City. Dalawang kasama ni Tan ang nasugatan sa insidente.

“Kahit kailan, kahit saan, walang puwang ang karahasan sa isang mapayapa at demoratikong lipunan. Walang justification ang pagkitil ng buhay,” sabi pa ni Hataman.

Nanagawan si Hataman sa mga otoridad ng mabilis at masusing imbestigasyon sa insidente upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on