WebClick Tracer

METRO

Pulis binaril ng tinutugis

Isang pulis ang sugatan matapos barilin ng riding in tandem sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay si Patrolman Charles De Luna Rebucas Jr., 30, nakatalaga sa Poblacion Sub-station, ng Makati City Police Station, na ngayon ay nasa mabuti naman nang kalagayan.

Sa ulat, nangyari ang pamamaril alas-11:50 ng gabi, sa Don Chino Roces Avenue, Brgy. Tejeros.

Tinutugis na ang suspek na isang Ryan Lapuz, ng Brgy. Tramo, Pasay City, at kasamahan nito.

Napag-alaman na si Patrolman Rebucas at isa pang pulis ay nagsasagawa ng surveillance at monitoring sa kanilang area habang sakay ng kanilang pribadong motorsiklo, nang mapansin ang rider at angkas nito sa Honda PCX na walang plate number.

Dahil kahinala-hinala ang kilos ng dalawa sa naturang motorsiklo lalo na at may ulat ng snatching sa lugar ay binuntutan ng dalawang pulis.

Pagsapit sa “Lugawan sa Tejeros” ay tinangka silang lapitan ng mga pulis, subalit bago pa man malapitan ang tandem ay pinaputukan na ng angkas si Pat. Rebucas na tinamaan sa kaliwang hita. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on