WebClick Tracer

METRO

Rapist na tinedyer kinalawit

Sa kulungan na aabutan ng pagtanda ang isang menor de edad matapos ikustodiya sa City Service Welfare and Development (CSWD) dahil sa kasong Statutory Rape sa Gen Trias City, Cavite Linggo ng umaga.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa suspek na si alyas Paul; 16, isang ALS student ng Barangay Pasong Kawayan, Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni Police Corporal Mardy V. Medina, ng Gen Trias City Police Station, dakong alas-10:35 kamakalawa ng umaga nang isilbi ng mga operatiba ng Gen Trias Component City Police Station ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Hon. Flordeliz Cabanlit Fargas, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5, ng Trece Martires City, Cavite dahil sa kasong 4 counts na Statutory Rape.

Ang suspek ay pansamantalang ikokustodiya ng CSWD sa panahon ng kanyang pagiging menor de edad. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on