WebClick Tracer

NEWS

Robin Padilla nag-sorry kay Nancy Binay

Humingi na rin ng paumanhin si Senador Robin Padilla kay Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador Nancy Binay kaugnay ng viral na IV drip session ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang opisina.

Sa liham kina Zubiri at Binay nitong Lunes ng hapon, Pebrero 26, muling iginiit ni Padilla na labis niyang ikinabahala ang isyung kinasangkutan ng kanyang maybahay.

“Kaugnay nito, nais ko pong ipahatid ang aking sinserong paghingi ng paumanhin kung ito ay nagdulot ng kagambalaan sa liderato ng Senado, sa ating mga iginagalang na kasamahan, at sa lahat ng bumubuo ng institusyon,” sabi ni Padilla sa kanyang liham kay Zubiri.

Sa kanyang hiwalay na liham kay Binay, sinabi ni Padilla na “kailanman ay hindi po namin sasadyain ang pagsasawalang-bahala sa dangal na sinisimbolo ng ating institusyon.”

“Makakaasa po kayo sa aming palagiang pagtalima sa mga alituntunin ng Mataas na Kapulungan,” dagdag niya sa liham kay Binay, chairperson ng Senate committee on ethics and privileges.

Nagpadala rin ng liham si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau, at retired Lt. Gen. Roberto T. Ancan, sergeant-at-arms ng Senado.(Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on