WebClick Tracer

SPORTS

Savi Davison, Ivy Lacsina papasiklaban

Mga laro ngayon

(PhilSports Arena, Pasig)

4:00 pm NxLed vs PLDT Home Fibr

6:00 pm Petro Gazz vs Choco Mucho

Hindi magpapasapaw sa isa’t isa sina Savannah Dawn ‘Savi’ Davison ng PLDT Home Fibr at Ivy Keith Lacsina ng NxLED sa pagtutuos ngayon (Martes) sa 8th Premier Volleyball League 2024 3rd All-Filipino Conference eliminations sa PhilSports Arena.

Magkakabombahan ang dalawang malalakas pumalo sa liga na inoorganisa ng Sports Vision simula sa ganap na alas-4:00 ng hapon kung saan asam ni Davison at Speed Hitters ang ikalawang sunod na panalo upang makisawsaw sa tuktok.

Ibabalikwas naman ni Lacsina ang Chameleons sa nalasap na unang kabiguan sa Choo Mucho sa pagbubukas ng tanging women’s pro volleyfest sa bansa na mga mapapanood sa One Sports, One Sports+, PVL official website (pvl.ph), Pilipinas Live app at RPTV.

Magkakasukatan din ng lakas sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ng Flying Titans (1-0) at Brooke Van Sickle ng Petro Gazz (1-0) sa alas-6:00 ng gabi na mga puntirya ring makatabla sa liderato.

Gayunman, nakatuon ang atensiyon kay Fil-Canadian outside hitter Davison na kahit nasa ikalawa pa lang niyang komperensiya sa High Speed Hitters ay nagpapamalas na ng kanyang liderato.

Binitbit niya ang PLDT bunga ng injury nina key players Kim Kianna Dy at Mika Reyes sa pagpapaguho sa Galeries Tower, 25-22, 25-6, 25-9, kasangga sina sina Kim Fajardo, Majoy Baron, Shiela Kiseo, Kiesha Bedonia at Jules Samonte

“You play the best when you play calmly and freely. So I’m just happy with the outcome, and I just want to be that go-to person on the court, and if the points show up, then the points,” lahad ni Davison na may game-high 19 points mula sa 16 attacks, 2 block, at 1 ace. May 9 excellent digs at 8 excellent receptions pa siya.

Pilit naman iiwas na dumausdos sa hulihang puwesto ang Chameleons na reresbak sa straight-set loss sa opening game nila.

Tanging nakahugot ng mahusay na laro ang Chameleons kina Krich Aeshelouz Macaslang na may 7 puntos at Lacsina na may anim na puntos. May tig-lima sina Lycha Ebon at Chiara Mae Permentilla. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on