WebClick Tracer

NEWS

Vape distributor yari sa P1.2B tax evasion – BIR

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga opisyal ng isang kompanya ng vape dahil sa kasong tax evasion na umaabot sa mahigit P1.2 bilyon ang halaga.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 26, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang kaso laban sa mga opisyal ng Tap Fog ay nag-ugat sa isang pagsalakay noong Nobyembre 2022.

Ayon kay Lumagui, deputy commissioner siya ng Operations Group ng BIR ng panahong iyon.

Nakabinbin ang mga kaso sa Court of Tax Appeals at Metropolitan Trial Court na nagpalabas na umano ng mga arrest warrant laban sa mga opisyal ng Tap Fog.

Ang tinatayang civil liability na inilagay sa criminal complaint ay mahigit P1.2 bilyon kasama na ang mga multa at mga parusa. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on