WebClick Tracer

NEWS

2 eroplano nagsalpukan sa NAIA

Nagsalpukan ang mga pakpak ng dalawang international flight habang paalis ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Bunga ng insidente’y na-delay ng isang oras ang departure ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-318 patungong Hongkong matapos na magkasagian ang pakpak ng China Airlines flight CI-701 na dapat ay paalis na patungong Taiwan dakong alas-10:45 ng umaga.

Napilitan ang PAL na palitan ang kanilang eroplano patungong Hongkong na dapat ay ang eroplanong galing sa Davao ang gagamitin nito. Dahil dito’y ipinalit na lang ang eroplano na nanggaling sa Melbourne, Australia na PAL flight PR-210.

Ligtas naman ang lahat na mga pasahero at nakalipad ang PAL flight patungong Hongkong alas-1:29 ng hapon sa halip na ang original flight nito ay alas-12:30 ng hapon.

Habang isinusulat ang balitang ito hindi pa nakakaalis ang China airlines flight dahil sa nagkaroon ng damage sa kanang bahagi ng pakpak ng eroplano. 3

(Otto Osorio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on