WebClick Tracer

METRO

2 traffic aide sugatan sa sinitang motorista

Nasugatan ang dalawa sa tatlong miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isang rider na tinangka nilang pigilan kamakalawa sa Natividad St., cor San Marcelino, Ermita, Maynila.

Iniwan pa at nagtatakbo pero nakorner rin ni Ric Paul David, 37, traffic enforcer, team leader ng MTPB at taga-Tondo, Maynila ang suspek na si Angelo Cruz, 20, ng Sampaloc, Maynila at driver ng hindi nakarehistrong motorsiklo.

Nasugatan naman sina Leo Mabunga, 30; at Jeniffer Tolentino, 34, kapwa traffic enforcer ng MTPB nang tinangka nilang pigilan ang minamanehong motorsiklo ng suspek.

Sa imbestigasyon ni PCpl Elizardo D Reputas Jr, ng Manila Police District -Police Station 5, naganap ang insidente alas-2:25 ng hapon.

Ayon sa mga traffic enforcer, Pinara nila ang suspek dahil dumaan ito sa ‘one way’.

Hiningi umano nila ang lisensiya pero sa halip na ibigay ay bigla nitong pinatakbo ang kanyang motorsiklo dahilan para atasan ni David sina Mabunga at Tolentino na pigilan ang suspek.

Sa pagpigil ay kapwa nasugatan ang dalawa. Nagtatakbo pa si Cruz pero hinabol ni David hanggang sa makorner at iturn-over sa presinto.

(Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on