WebClick Tracer

METRO

22 estudyante nadale sa tumaob na sasakyan

Sugatan ang 22 estudyante matapos tumaob ang sinasakyan nilang kuliglig sa Barangay Annanuman, San Pablo, Isabela kahapon ng tanghali, February 27.

Ayon sa San Pablo Police Station (SPPS), ang mga estudyante ay galing sa isang eskwelahan sa Barangay Annanuman at sila ay papauwi na sa kani-kanilang mga bahay.

Sa report ng SPPS, habang tinatahak ng kuliglig ang kalsada, biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at dito ay biglang tumaob ang nasabing sasakyan.

Tumalsik ang nasabing bilang ng mga estudyante kasama ang driver kung saan nagtamo ang mga ito ng

ibat-ibang sugat sa katawan na agad na isinugod sa ospital.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing sakuna.

(Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on