WebClick Tracer

METRO

Ari ng dyowa sinaksak ni GF

Sugatan ang ari ng isang lalaki makaraang saksakin ng gunting ng napikon niyang girlfriend habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Ermita Maynila.

Ginagamot sa isang ospital sa Maynila ang biktimang itinago sa pangalang Jake, 46, ng Tondo, Maynila.

Ayon kay PCapt. Anthony Abundo, hepe ng Lawton Police Community Precint, nakita ng mga nagpapatrulyang pulis ang tumatakbong biktima na duguan kaya tinulungang dalhin sa pagamutan.

Naaresto naman ng mga pulis ang GF at kinakasama ng biktima na si Lilet, 28, di tunay na pangalan, sa follow-up operation pero tumanggi ang biktima na sampahan ng demanda ang babae dahil mahal na mahal umano niya ito.

Nalaman sa mga nakasaksi sa insidente, nag-iinuman umano ang mag-live in at naging pulutan nila ang kanilang mga nakaraan o dating kasintahan na nauwi sa pikunan at saksakan.

Nalaman sa biktima na napikon ang babae sa kuwentuhan nila tungkol sa kanilang mga naging ex.

(Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on