WebClick Tracer

SPORTS

Mars Alba iniararo Choco Mucho

STANDING

TEAM W L

Chery Tiggo 2 0

PLDT Home Fibr 2 0

Choco Mucho 2 0

Cignal 1 0

Creamline 1 0

Petro Gazz 1 1

Farm Fresh 0 1

Akari 0 1

Galeries Tower 0 1

Capital1 0 1

Strong Group 0 2

Nxled 0 2

Mga laro sa Huwebes

(PhilSports Arena, Pasig)

4 pm – Capital1 vs Farm Fresh

6 pm – Creamline vs Akari

Pumoste si Marionne ‘Mars’ Alba ng 25 excellent sets upang ibalikwas ang Choco Mucho sa mabagal na simula at lusutan ang Petro Gazz, 24-26, 25-23, 25-18, 25-27, 15-13, sa 8th Premier Volleyball League 2024 3rd All-Filipino Conference eliminations Martes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

Ang matikas na binalandrang laro niya ang nagkambal sa ratsada ng Flying Titans upang saluhan sa tuktok ang bakanteng Chery Tiggo at PLDT Home Fibr sa mga barang 2-0 sa liga na inoorganisa ng Sports Vison.

Winalis ang High Speed Hitters ang Nxled sa likod ng 13 attack points, tig-10 excellent digs at excellent receptions si Savi Davison sa isa pang salpukan.

“Kailangan lang talaga lagi kang 100% sa game,” bulalas ni Alba. “Siyempre ‘di ko magagawa ito kundi dahil sa mga coach namin at teammate ko.”

Maging sa decider makupad pa rin ang Titans, pero ikinayod ni Chery Ann ‘Sisi’ Rondina mula sa pagkaiwan sa limang puntos upang mapanatili ang malinis na kartada ng kampo at isalya ang Angels sa pang-anim na puwesto sa 1-1.

Dumikit pa s 13-14 ang Petro Gazz pero ang service error ni Marian Buitre ang tumapos sa matensyong laro.

Si Kat Tolentino ang namuno sa puntusan para sa Titans sa 17, umiskor ng 12 si Isa Molde at 11 si Cherry Nunag.

Nabalewala naman ang 29 markers ni Jonah Sabete sa Angels.

(Armandoi Miguel Dumlao)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on