WebClick Tracer

METRO

Most wanted terorista sa Bicol nabitag

Naaresto ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Action Force (SAF) at 903rd Infantry Battalion ang number 2 most wanted terrorist sa Bicol Region.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip si alyas “Jose Maria”, 28, na may kasong 3 counts ng murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Walang inirekomendang piyansa sina Sorsogon City Regional Trial Court Branch 53, acting presiding Judge Donabel L. Breva-Bobier at Sorsogon City Branch 54 Executive Judge Hon. Bernardo R. Jimenez para sa mga naturang kaso.

Nabatid kay CIDG Director P/MGen. Romeo M Caramat Jr., na kilalang miyembro Communist Terrorist Group si Jose Maria at nagsisilbing Commanding Officer ng Special Partisan Unit Provincial Unit Guerilla sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee.

Bukod ito, humahawak din ng posisyon si Jose Maria bilang CO, SRYG ng L2 KP3 na nag-o-operate sa probinsiya ng Sorsogon.

(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on