WebClick Tracer

NEWS

PBBM binoldyak mga mayor sa gimik na project

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal na maraming magagawang proyekto para sa kapakinabangan ng mga tao na hindi na kinakailangan pang mag-agawan ng kredito at idaan sa kung ano-anong gimik.

Inihayag ito ng Pangulo nang dumalo sa 2024 League of Municipalities of the Philippines (LMP) general assembly na ginanap sa Pasay City nitong Martes, Pebrero 27.

“It is building what is grand, instead of being content with what is piecemeal. It is the courage to start projects with long building timelines, kahit lumampas na sa mga termino natin kailangan pa rin nating isipin na hindi na bale kung hindi tayo kikilalanin,” sabi ng Pangulo.

“Basta’t alam na natin maganda ‘yung ating ginawa, marami tayong natulungan, gumanda ang buhay ng ating mga constituent. Sapat na ‘yun. In that way serve the greater good, instead of meekly settling for short gestation periods that are only high in optics and in gimmickry,” wika pa niya.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na sinisikap niyang maging “transformational” ang kanyang administrasyon.

“Ibig sabihin niyan ay marami talaga tayong kailangang palitan structurally. Bakit natin kailangan gawin ‘yun? Kailangan nating gawin ‘yun dahil nagbago na talaga ang mundo at hindi na tayo maaring— at hindi na maaari na ‘yung ginawa natin ‘yung dati pa nating ginagawa,” ayon kay Pangulong Marcos.

(Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on