WebClick Tracer

NEWS

VP Sara Duterte pumiyok sa binurang EDSA message

Kasunod ng mga pagpuna ng publiko, inamin kahapon (Pebrero 27) ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na binura niya sa kanyang social media accounts ang mensahe kaugnay ng pagdiriwang sa ika-38 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution noong Pebrero 25.

“I did not intend to issue a statement this year as I did not the previous year. Because of this, I removed the EDSA anniversary post from my social media page,” ayon kay Duterte sa isang pahayag.

Sinabi ni Duterte na anuman ang kanyang posisyon noong 2017 kaugnay sa EDSA People Power anniversary ay patuloy na nananatili at hindi nagbabago hanggang ngayon.

“I hope this will put the matter to rest,” ani Duterte.

Sa kanyang mensahe noong 2017 EDSA People Power anniversary, sinabi ni Duterte na, “I find it hard to understand why this bloodless revolution has become the standard definition of freedom for our country and this standard is forced down our throats by a certain group of individuals who think they are better than everyone else.”

Gayunpaman, sa binura niyang pahayag, nagbigay pugay si Duterte sa mga taong nagkaisa sa EDSA noong 1986 at lumaban para sa demokrasya at kalayaan. Hinikayat pa nito ang mga Pilipino na patuloy na isabuhay ang diwa ng EDSA.

(Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on