WebClick Tracer

SPORTS

Donovan Mitchell, Max Strus hinarabas Dallas

Nahulog sa net ang bato ni Max Strus mula 59 feet sa buzzer at tinakasan ng Cleveland Cavaliers si Luka Doncic at Dallas Mavericks 121-119 Martes ng gabi.

Apat na tres ang pinakawalan ni Strus sa loob ng 67 seconds para ibalik ang Cleveland mula 10-point deficit sa 78th NBA 2023-24 regular season game.

Inagaw ng Mavs (33-25) ang lead sa dakdak ni PJ Washington 2.9 seconds na lang.

Wala nang timeout ang Cavs (38-19), kinuha ni Evan Mobley ang inbounds at binalik kay Strus. Nakapag-dribble pa si Strus bago pinaglayag ang tira na hindi pa nakakalagpas sa midcourt.

Nang humaginit ang bola sa basket, dinamba ng mga kakampi si Strus at halos mayanig ang Rocket Mortgage FieldHouse sa Ohio sa selebrasyon ng fans.

“Get it up,” sagot ni Strus nang tanungin kung ano ang tumatakbo sa isip pagkakuha ng pasa, nang mawala sa kamay ang bola ay alam niyang good ang direksiyon.

Hindi nasayang ang 31 points ni Donovan Mitchell sa Cavs. Tumapos si Strus ng 21, may 19 si Jarrett Allen.

“Man, just to see it go through, especially what he did for us in the fourth, it had to be him, too,” bulalas ni Mitchell.

Ayon sa Basketball Reference, second-longest game-winner ang tira ni Strus sa 3-point era (1979-80). Nagbaon ng 61-footer si Devonte Graham para sa New Orleans nang talunin ang Oklahoma City noong Dec. 15, 2021.

Nawalan ng saysay ang 45 points, 14 assists ni Doncic sa bisperas ng kanyang 25th birthday. May 30 markers pa si Kyrie Irving.

(Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on