WebClick Tracer

SPORTS

Salaño OK sa team, Camacho abangers

Giniit nina Richard Salaño at Maricar Camacho sa ating lahat na kayang makipagsabayan ng mga Pinoy/Pinay sa mga world class marathoner.

Ito’y sinaksihan din ng inyong lingkod bilang isa sa mga kalahok sa side event (10K)ng 42nd Manila International Marathon 2024 noong Sabado (Feb. 24) paalis at pabalik sa CCP grounds sa Pasay.

Sinilat ni Salaño ang mahgpit na karibal na si Nasser Allali ng France para sa men’s title samantalang binulaga ni Camacho sina Kenyan Lilian Jepkosgei Kiprop at Vietnamese Thi Linh Nguyen pra sa korona ng kababaihan.

Ayon kay Salaño, 32, ng Marilao, Bulacan at nag-military schooling (Philippine Army) noong Sept.-Dec. 2023 para mawala muna sa national athletics team, si national marathon coach Eduardo ‘Vertek’ Buenavista ang nagsuhestiyon sa kanya na gawing performance trial ang MIM upang irekomenda siya uli sa PH track and field squad.

Mukhang nasa tamang desisyon naman si coach Vertek dahil ratsada ang tagumpay ni Richard sa roadraces sa loob ng dalawang buwan.

Nagkampeon din siya sa 24K ng Cebu Marathon sa Cebu City noong Jan. 14, sa 32K ng 12th 7-Eeleven Run 2024 nitong Feb. 4 sa Luneta, Manila, at sa Feb. 18 na 11K ng Bulacan Half-Marathon sa Plaridel.

Ito naman ang unang pagbibida ni Salaño sa isang 42.195K footrace o full-marathon makaraang sumegunda sa 42nd National Milo Marathon Finals noong Jan. 2020 sa Tarlac City sa isang segundong talo lang kay Jerald Zabala.

Dehins niya natapos o nag-DNF siya sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Vietnam at sa 32nd SEA Games 2023 sa Cambodia.

Sa panig ni Camacho, 32, tubong Oas, Albay pero sa Cavite na naninirahan at karereyna lang sa 42K ng 7-Eleven Run sa Manila sa kaagahan ng buwan, ipinahayag niyang nakaabang lang siya sakaling tawagin para sa PH team ng Philippine Athletics (dating Patafa).

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on