WebClick Tracer

NEWS

Jalosjos sinisi TVJ, GMA sa utang

Sinisi ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc) ang pagkalugi nila kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon matapos ang pagsasara ng noontime show nilang “Tahanang Pinakamasaya”.

Base sa video umanong napanood ng Bilyonaryo, hinarap ni TAPE President at Chief Executive Officer Jon-jon Jalosjos ang mga empleyado nito para ianunsiyo ang paghinto na sa “Tahanang Pinakamasaya” na epektibo noong Marso 6, 2024.

Ipinaliwanag din ni Jalosjos na kinailangan ng kanilang pamilya na kontrolin na ang operasyon ng TAPE dahil sa nalalagasan na nang malaking halaga ang kompanya dulot ng ma­ling pamamahala sa pera at pagbabayad sa early retirement packag­e ng ilang executive nito.

Nagpahiwatig din siyang malaking factor sa pagkalugi ng TAPE ang pag-alis ng mga original host ng “Eat Bulaga” sa pangunguna ng TVJ.

“Last year alam n’yo naman ‘yong nangyari na hindi dapat nangyari: iniwan tayo ng kasama natin eh. Before ako pumasok dito at nag-decide ang Jalosjos family na makialam na, nakita na namin sa mga report na palaki nang palaki ang diperensya ng paggastos at ng income — in short, nalulugi,” saad niya, ayon pa sa ulat ng Bil­yonaryo.

Sinabi rin umano ni Jalosjos na ilang department head ang tila nagsabwatan para sa maagang pagreretiro bago i-takeover ng kanilang pamilya ang TAPE.

Ang isa nga raw dating TAPE executive ay tumataginting na P18 milyon ang nakuha mula sa pagreretiro.

“Salamat sa inyo, naniwala tayo. Hindi ko alam kung planado… basta alam ko lang, ang galing. Sa pag-alis nila may bagong show sila,” patutsada pa ni Jalosjos.

“Sinubukan nating lahat ng ating makakaya… dumating ang panahon na lumobo nang lumobo ang utang natin sa GMA,” dugtong pa niya.

Matatandang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang TVJ sa TAPE Inc kaya umalis sila sa GMA Network noong Mayo 2023. Ang “Eat Bulaga” ng TVJ ay napapanood na ngayon sa TV5 ni Manny Pangilinan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on