WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Solon binuhusan ng negosyo ang kabit

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mambabatas na natsitsismis na may karelasyon na biker mula sa Central Luzon?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, hindi raw kaguwapuhan itong mambabatas pero nasungkit nito ang puson este puso ng promding dalaga.

Mahilig daw mag-bike itong bebot at doon nagkrus ang landas nila ng mambabatas.

Hindi lang sigurado ang mga Marites kung itong bebot eh mahilig makinig ng rap song ni Andrew E, lalo na `yung sikat na “Humanap ka ng panget!”

Kapag bibisita raw itong mambabatas sa lugar ng babae, aba’y todo asikaso pati ang magulang. Kahit na ang ilang lokal na opisyal, alam daw ang relasyon ng dalawa.

Makalipas lang daw ng ilang buwan, nakapagpatayo na ng fast food restaurant itong babae sa kanilang bayan. Siyempre, ang pinagsususpetsahang nagpondo ay itong hindi kapogiang mambabatas.

Eh paano ba naman kasi, kahit sa opening o blessing ng restaurant, present itong si mambabatas.

Ang classic nito, palaging ipinagmamalaki ng mambabatas na hindi siya mandurukot ng pondo ng bayan. `Yun pala, palda ng ibang babae ang kaniyang dinudukot.

Clue: Mahuhulaan n’yo ang pangalan ng mambabatas dahil naging yorme rin siya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on