WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Mayor dinaan sa dasal ang public service

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mayor na inirereklamo ng kanyang nasasakupan dahil puro dasal lamang ang binibigay na mensahe sa kanila?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, hindi pa man sumasapit ang Mahal na Araw ay puro Banal na Aklat ang laging laman ng social media page ng alkalde.

Tila ipinapahiwatig yata ng babaeng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na makasalanan sila at kailangan na nilang magbago.

Hindi naman nanggaling sa kumbento itong opisyal bago naging alkalde ng kanilang lungsod pero panay pagdarasal daw ang laman ng Facebook page nito.

Ilang constituent na ang napikon kay mayor at sinabing pakigalaw daw ang baso kung nandiyan man siya dahil hindi ito maramdaman sa kanilang lugar.

Hindi raw sila mabubusog sa mga padasal lamang ni yorme dahil kailangan nila ang tulong ng LGU para magkaroon ng hanapbuhay o kabuhayan sa kanilang lugar.

Nagbanta pa sila na hindi na nila iboboto muli si mayor at baka suportahan na lamang nila ang posibleng pagtakbo ni “mangga” sa darating na halalan.

Clue: Ang mayor na kinaiinisan ng mga constituent dahil dinadaan sa dasal ang public service ay nilalanggam ang pangalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on