WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Dating opisyal ng gobyerno namudmod ng P500

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating opisyal ng gobyerno na mistulang nagpapraktis nang maging miyembro ng Kamara de Representantes dahil sa hilig nitong mamudmod ng P500?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, mataray raw ito noong nagtatrabaho pa sa gobyerno pero nang magplano na pumasok sa Kamara, aba’y naging maamong tupa na.

Hindi lang iyan, kapag naglalakad ito at may nagustuhang ginagawa ng constituent, basta na lang daw nag-aabot ng P500, aba’y galante ang lola n’yo!

Minsan daw, bumisita sa isang university sa Metro Manila itong dating opisyal ng gobyerno. Nadaanan nito ang isang estudyante na may hawak na painting mula sa kanyang art class.

Tinanong ng ex-government official ang estudyante kung siya ang nag-paint nito dahil napakaganda raw ng pagkakagawa nito.

Sumagot naman ang estudyante na siya ang nagpinta kaya labis naman ang tuwa ng ex-government official. Maya-maya, kinuha nito ang kanyang wallet at bumunot ng P500 para ibigay sa estudyante.

Siyempre, ibinida ng estudyante sa kanyang magulang kung gaano kabait ang dating government official. Hindi niya alam ay nagpapalapad lamang ito ng papel sa publiko dahil sa balak na maging miyembro ng Kamara.

Clue: Ang dating government official na namumudmod ng P500 ay may letrang O sa pangalan as in olats.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on