WebClick Tracer

NEWS

Mga provincial bus biyaheng EDSA ngayong Semana Santa

Simula kahapon, Marso 23, pinapayagan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa Edsa hanggang sa Abril 2.

Sa gitna ito ng inaasahang dagsa ng mga luluwas para sa Semana Santa.

Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes, maaaring dumaan sa Edsa ang provincial bus tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Gayunman, nilinaw ni Artes na ang bus na galing Norte ay hanggang sa mga terninal lamang sa Cubao, Quezon City, habang ang mga bus naman na galing sa Southern Luzon ay hanggang Paranaque Intergrated Terminal Exchange (PITX) at sa mga terminal sa Pasay City.

Sa ngayon ay dagsa na ang mga biyahero sa mga terminal ng bus kaya naman patuloy na pinaigting ng MMDA ang pagbabantay sa lugar para sa maayos at kaligtasan ng mga pasahero.

(Betchai Julian/Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on