WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Caretaker niyari sa harap ng dyowa

Patay ang caretaker ng isang farm matapos itong pagbabarilin sa harapan mismo ng kanyang kinakasama nitong Biyernes ng umaga sa Talisay City, Negros Occidental.

Kinilala ang nasawing biktima na si Felix Baylocon, 29, caretaker ng isang farm sa Barangay Concepcion ng nasabing lungsod, na nagtamo ng dalawang bala sa balikat at leeg mula sa kalibre .38 baril.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril alas-7:00 ng umaga.

Habang nagkakape ang biktima kasama ang kanyang live-in partner ay bigla na lang itong binaril ng 21-anyos na suspek, hindi naman nito ginalaw ang kinakasama ng suspek.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek subalit makalipas ang ilang oras ay nadakip din ito sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Granada.

Nabatid na agad nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya kung saan isang saksi ang nakakita sa suspek sa pinagtataguan nito sa Barangay Granda dahilan upang agad itong madakma.

Nakuha sa suspek ang kalibre 38 baril na ginamit nito sa pamamaril habang inaalam pa kung ano ang motibo nito sa pagpaslang. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on