WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Lady solon binalandra mukha sa mga kalsada

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong miyembro ng Kamara de Representantes na binalandra ang kanyang mukha sa mga kalsada sa Metro Manila ngayong Semana Santa?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, kalat daw ang tarpaulin nitong babaeng kongresista sa EDSA at iba pang kalsada sa National Capital Region.

Maganda naman ang hangarin ng lady solon dahil pinag-iingat niya ang mga biyahero ngayong Kuwaresma.

Ang hindi lang nagustuhan ng mga Marites ay mas malaki pa ang kanyang mukha kaysa sa nakasulat na mensahe. Napapaghalata tuloy na may binabalak ang lady solon sa 2025 elections.

Posible raw na tumakbo itong senador sa darating na halalan gamit ang sangkatutak na campaign fund mula sa negosyo ng kanilang pamilya.

Sa ngayon, nasa kangkungan pa ang pangalan ng lady solon sa mga senatorial survey pero kapag gumana na ang pera ng kanilang pamilya ay posibleng rumatsada ito sa top 12.

Clue: Ang pangalan ng kongresista ay kahawig ng asawa ng isang hari.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on