WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Paslit tsugi sa kamandag ng dikya

Namatay ang 10-anyos na nene nang kapitan ng dikya o jellyfish habang nagtatampisaw sa dalampasigan sa Barangay Poblacion, Araceli, Palawan nitong Linggo ng Palaspas.

Ayon sa ulat mula sa Araceli Rural Health Unit (RHU), habang masayang lumalangoy ang bata sa dalampasigan ay bigla itong kinapitan ng dikya.

Sinubukan ng mga medical responder na gamutin ang paslit ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Nagtamo ang biktima ng jellyfish sting sa kanyang kamay at braso.

Sa pagsusuri ng Araceli RHU, dahil sa insidente ay nagkaroon ng “Anaphylaxis” o severe allergic reaction ang biktima. Posible umanong species ng ‘box jellyfish’ na tinatawag na chironex fleckeri ang kumapit dito. Ang ganitong uri ng jellyfish ayon sa mga eksperto ay mapanganib at mataas ang toxic venom.

Itinuturing itong isa sa pinakamapanganib na jellyfish species sa Asia Pacific region.

Ang venom ng naturang dikya ay maaaring magdulot ng paralysis, cardiac arrest at pagkamatay sa loob lamang ng ilang minuto. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on