WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

War on drugs sa Davao, 5 todas

Lima kaagad ang casualty sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Davao City nitong weekend matapos magdeklara ng giyera kontra ilegal na droga si City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Mayor Duterte sa katatalaga pa lamang na bagong Davao City Police director noong Biyernes na puksain ang mga sangkot sa illegal drugs activities kung hindi sila aalis sa lungsod.

Sa Buhangin district, Davao City, napatay sa umano’y engkwentro sa drug bust operation sa Ponte Verde Subdivision, Brgy. Communal ang sinasabing number one drug personality sa lungsod na si Sherwin Martin, madaling araw ng Sabado.

Patay din ang isa pang umano’y tulak ng droga na nagngangalang Larry sa drug bust sa Shrine Hills road, Brgy. Matina Crossing, Davao City, Sabado ng gabi.

Noong Sabado ng gabi, nabaril din ng mga pulis ang isang Jehurry` Ngay’ Dresser matapos umanong manlaban.

Sa Barangay Mintal, nasawi din ang isang alyas Timoy, na tinagurian namang top 5 city level drug personality, sa operation noong Linggo ng madaling araw.

Huling pinatay noong weekend ay si Emmanuel Jala Avila sa Agdao, Davao City noong Linggo ng hapon. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on