WebClick Tracer

LIFESTYLE

Pamahiin tuwing Holy Week, alamin

Maraming pinaniniwalaan at sinusundang tradisyon ang mga Pinoy lalo na ngayong Semana Santa, kasama na rito ang mga pamahiin kung saan mas epektib daw ang majica sa Mahal na Araw.

Bukod sa mga tradisyon, may mga pinaniniwalaan pa ang mga Pinoy na pamahiin na kinalakihan na kasunod ng paniniwala tuwing panahon ng Holy Week na talagang sinusunod ng mga Kristiyano.

Nagsisimula ang Holy Week sa Palm Sunday, Lunes hanggang Biyernes Santo, Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay.

Sa loob ng Holy Week ay isinasagawa ang Senakulo kung saan makikita ang ginagawang penitensya, mayroong Visita Iglesia na pagbisita at pagdarasal sa pitong simbahan, pabasa na makakarinig ng iba’t ibang tono, prusisyon na makikita ang mga imahe ng santo, at `Salubong’ tuwing Linggo ng Pagkabuhay kung saan naglalabasan ang mga batang anghel.

Maraming bawal na kainin lalo na ang mga karne.

Hindi naman kasama dito ang mga produkto ng mga hayop na ito gaya ng gatas, keso, mantikilya, at itlog. Hindi din kasama dito ang mga isda. Mayroon namang nagpa-fasting.

Bawal din daw ang nasusugatan lalo na kapag Biyernes Santo dahil matagal daw itong gumaling dahil patay si Hesus.

Mayroon namang nakasanayang Caridad tuwing Biyernes Santo na kung saan ay nagbibigayan ng pagkain sa mga kapitbahay.

Ito ay mga sakripisyo ni Hesus para sa atin sa Good Friday, at isinasaalang-alang natin ito.

Paniniwala na hindi dapat magsaya o mag-ingay sa Holy Week.

Mahigpit din ang bilin ng mga nakakatanda na huwag maglaro at magsaya dahil oras ng pagdadalamhati.

Ayon naman kay University of the Philippines Los Baños anthropology professor Christian Rosales, ang hindi pagsasaya at hindi pag-iingay ay isang pagrespeto sa panahon ng pagluluksa, at ang Holy Week ay panahon ng pagluluksa para sa kamatayan ni Hesus.

Sinabi pa ni Professor Rosales na ang paniniwalang ito ay nagpapakita ng inobasyon ng mga Pilipino sa pagkilala ng parehong katutubo at pagdaigdig na paniniwalang spiritual.

Pinaniniwalaang malakas ang puwersa ng majika kapag Mahal na Araw. Nandyan ang kasabihan na naglalabasan ang mga maligno, engkanto at iba pa.

Pero nasa paniniwala na rin yan at nasa sarili kung magpapadala sa mga paniniwala. Basta ang mahalaga ay may pananalig sa Panginoon.

Pero sa panahon ngayon ay nag-iiba na. Ginagawang bakasyon time ang Mahal na Araw dahil ito lamang

ang panahon na walang pasok sa mga trabaho at paaralan.

Panahon para magbakasyon, panahon para magpahinga at panahon para sa sarili. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on