WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

7 aso nilason 

Pitong aso ang magkakasunod na natagpuang patay at hinihinalang nilason ng mga hindi nakilalang salarin sa Sta. Cruz, Barangay Old Poblacion sa Escalante City, Negros Occidental.

Ganoon na lamang ang paghihinagpis ng isang ginang matapos na makasama sa mga namatay ang kanyang tatlong alagang aso noong Huwebes Santo, Marso 28.

Sinasabing namatay ang mga aso sa pamamagitan ng pagpapakain ng tinapay na may itlog at lason.

Nagpahayag naman ng pagkaalarma ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa magkakasunod na pangyayari.

Nag-iimbestiga na rin ang mga awtoridad kung sino ang posibleng may kagagawan at kung iisang grupo o iisang tao ang gumawa nito. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on