WebClick Tracer

METRO

Pawnshop sa Tagaytay nilooban

PINASOK ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang pawnshop at tinangay ang mahigit na P100,000 cash, mga alahas, foreign currency at mga gadget sa Tagaytay City noong Sabado.

Sa ulat, bandang alas-7:45 nang umaga noong Sabado nang natuklasan ng empleyadong si Ruel Cuyo ang panloloob sa CVM Pawnshop sa Barangay Mendez Crossing East, Tagaytay City.

Tinangay ng suspek ang P127,969.00 cash, $1,700, 47,0000 Korean won, 129 piraso ng mga nakasanlang cellphone, iba pang gadget at hindi pa matukoy na halaga ng mga alahas.

Hindi naman binanggit sa ulat kung paano isinagawa ng suspek ang panloloob.

Nirerebyu na ng mga awtoridad ang mga CCTV camera sa lugar para matukoy ang suspek. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on