WebClick Tracer

METRO

Vendor, 1 pa  himas-rehas sa tobats

Dinakma ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 12 ang isang babaeng vendor at kasabwat na 18 anyos matapos silang maaktuhan na nagtutulak ng shabu sa Tondo, Maynila kahapon nang madaling araw.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 12 ang mga suspek na si Aiza Moya, ng Gate 54, Area C, Brgy., 275, Zone 25, Binondo, Maynila at kasabwat na si Joshua Barbosa, residente sa Gate 13, Area B, Brgy., 20, Zone 2, Tondo, Maynila.

Nakumpiska sa kanila ang 1.5 gramo ng shabu na may street value na P10,800.

Nauna rito’y isang concerned citizen ang tumawag sa MPD-PS12 kaugnay sa nagaganap na bentahan ng shabu bandang ala 1:35 nang madaling araw sa Gate 5, Area A, Brgy., 20, Zone 2, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nagpositibo sa lugar ang dalawa kaya sinita ito ng mga rumespondeng pulis. Diniretso ito ng ng mga pulis sa presinto nang marekober sa kanilang pag-iingat ang dalawang sachet ng shabu.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

(Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on