WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

4 Chinese nalambat sa govt ID scam

Ibinunyag ng Bureau of Immigration (BI) na ang apat na Chinese national na naaresto sa Palawan ang hinihinalang nasa likod ng paglaganap ng mga mapanglinlang na identification card at mga dokumento ng gobyerno.

Ayon kay BI intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr., ang apat na Chinese na nakilalang sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, at Lyu Zhiyang na naaresto sa Brgy. San Pedro in Palawan City noong Marcch 19, ang nasa likod umano nang pagpapalaganap ng mga illegal na nakuhang mga dokumento ng gobyerno ng Pilipinas.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Naval Forces West, National Intelligence Coordinating Agency 4B, at Armed Forces of the Philippines.

Si Lyu, na may alyas na Ken Garcia Lee, ang diumano’y utak ng operasyon at nakilala sa lokal na komunidad matapos i-tag bilang isang fraud mafia leader sa Palawan.

Pinamumunuan umano nito ang isang lokal na sindikato na nagbibigay ng ilegal na nakuhang mga dokumento na inisyu ng gobyerno sa mga undesirable aliens at mga biktima ng trafficking.

Sa operasyon, ilang mga ID na inisyu ng Pilipinas ang nakuha mula sa mga dayuhan kabilang ang kanilang mga drivers’ licenses, postal IDs, at birth certificates.

“The arresting team of the operation have been working on the case for several months and have kept close coordination with intelligence forces and law enforcement agents to ensure the smooth arrest of the subjects,” ayon kay Manahan.

Pinuri naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga operatiba, at sinabing ang mga suspek ay itinuturing na ‘big fish’, dahil iligal na ibinigay ang Philippine ID sa mga dayuhang nagpapanggap na mga Pilipino.

Ang mga naarestong Chinese ay inilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig at nahaharap sa kasong misrepresentation at undesirability sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

“These foreign nationals use Philippine documents to avoid inspection, buy property, or even interfere in politics. The arrest of Lyu and his gang will definitely hurt the operations of these entities, and hopefully put a stop to the proliferation of fraudulently-acquired documents,” dagdag pa ng BI Commissioner. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on