WebClick Tracer

METRO

Bebot na tulak dinedo habang naliligo

Patay ang isang babaeng na tulak umano ng shabu nang barilin habang naliligo sa kaniyang bahay sa Purok 6, Zone 8 Boulevard, Bgy. Cupang, Antipolo City nitong Linggo ng hapon.

Sa report ng Antipolo police, dakong alas 3:00 nang pumasok ang ‘di kilalang gunan sa bahay ng biktima na nakilalang alyas Rose at saka pinagbabaril ito habang nasa banyo saka mabilis na tumakas.

Napag-alaman na nasa talaan ang biktima ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watchlist. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on