WebClick Tracer

METRO

CEO kinalawit sa pambubudol ng kliyente

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 11, ang 52- anyos na umano’y Chief Executive Officer (CEO) ng isang trading firm matapos na ireklamo ng estafa ng kaniyang kliyente sa Tondo, Maynilakamakalawa ng gabi

Kinilala ni MPD-PS11 station commander P/Lt. Col. Roberto Mupas, ang suspek na si Reynaldo Malate Calda, 52, nakatira sa No. 1511 One Castilla Place, Castillas St., New Manila Quezon City.

Naaresto ang suspek alas 7:47 ng gabi habang umiinom sa 739 Laguna Extension, Gagalangin, Tondo, Maynila.

Si Calda ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Quezon City Presiding Judge Marcelini Rodriguez Gonzales III, ng MTC Branch 42 sa kasong Estafa sa ilalim ng Art. 315 (A) ng RPC na may piyansang P18,000.

Sinabi ni Mupas na inaasahan na marami pang warrant of arrest ang ilalabas laban kay Calda.

Ayon sa isang biktima ni Calda ini-avail nila ang motorcycle installment at binili ito sa isang autotrading company.

“P150,000 ‘yung presyo ng motor ko. ‘Yung kalahati no’n ay ido-down payment namin sa Digicars… Usually, P5,950 ang aking binabayaran sa casa, ay magiging P950 na lang monthly,” ayon sa biktimang si Crisostomo Dungca.

Sinabi ni Dungca na isang beses lamang binayaran ng Sigicars ang kanyang motorsiklo at nagsimula na siyang magduda nang hindi na ito bayaran ng auto trading company ng sumunod na mga buwan.

“The second month, wala na. Nakutuban na kami. In three months, wala pa rin. Hanggang pumalo na ‘yung four months, nagsara na ‘yung kanilang office,” dagdag ni Dungca. (Juliet de Loza-Cudia)

SEO Title: CEO kinalawit sa pambubudol ng kliyente

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on