WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Cong paldo sa pinatayong transport terminal

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong miyembro ng Kamara de Representantes na kumita ng limpak-limpak na pera dahil sa pinatayong transport terminal sa kanyang lupain?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, matagal na raw pinapangarap ng mga residente ng kanilang bayan na magkaroon ng magarang transport terminal kaya sinamantala ito ng kongresista para muling masungkit ang boto ng kanyang mga kababayan.

Natupad naman daw ang pangako ni congressman pero marami pa rin ang nabuwisit dahil mas napalaki ang gastos ng mga mananakay.

Malayo kasi sa city ang terminal dahil itinayo ito sa lupa ni congressman para raw tumaas ang value ng kanyang property.

Bukod pa riyan, may mga puwesto rin si congressman sa terminal para makadagdag sa kanyang kinikita.

Wala raw choice ang mga pasahero kundi dayuhin ang terminal ni congressman para lamang makapagbiyahe patungo sa malalayong probinsiya ng kanilang rehiyon.

Ibang klase talaga kung dumiskarte si congressman kaya hindi nagtataka ang marami niyang kababayan kung magkaaway sila ng gobernador.

Clue: Ang pangalan ng kongresista ay makikita mo sa Bibliya at iisa lang ang porma nito sa mga picture.

META: Sino raw itong miyembro ng Kamara de Representantes na kumita ng limpak-limpak na pera dahil sa pinatayong transport terminal sa kanyang lupain?

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on