WebClick Tracer

METRO

Grade 10 sinubo ari ng sikyo, kalaboso

Kalaboso ang Grade 10 na binata matapos na isubo umano ang ari ng security guard habang natutulog sa terminal ng bus sa Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Agad na inaresto ang 20-anyos na suspek, at nakatira sa San Martin De Porres, Quezon City.

Sa report ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 1:00 ng madaling araw (April 01), nang maganap ang insidente sa DLTB bus terminal sa No. 819 Lantana St., corner Aurora Blvd., Brgy. Immaculate Conception, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina PSMS Virginia Balberona and Pat Prima Joy Baay, ng Women and Children’s Protection Desk, habang natutulog ang 27-anyos na guwardiya sa DLTB bus terminal, bigla siyang nagising nang maramdamang may sumusubo sa kanyang ari.

Agad namang bumangon ang biktima at nang makita ang suspek ay tumakbo ito sa comfort room dahilan upang maaresto ng mga tanod at saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on