WebClick Tracer

METRO

Higit P200M shabu nasabat sa Clark

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang nasa 31,250 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P212.5 milyon, ayon sa ulat nabatid kahapon.

Sa ulat ng BOC, ang naturang mga illegal na droga ay una pang idineklara bilang routers.

Bago ang operasyon, nakatanggap ang BOC ng derogatory information mula sa PDEA, hinggil sa isang shipment mula sa New Jersey, USA, na darating sa bansa noong Marso 21, 2024.

Nang isailalim ang shipment sa x-ray scanning at K9 sniffing at nakitaan ng indikasyon na naglalaman ang mga ito ng illegal na droga.

Sa isinagawang pisikal na eksaminasyon, nadiskubre ng mga awtoridad ang may 29 pakete ng vacuum sealed transparent plastic, na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Erastus Sandino B. Austria laban sa naturang subject shipment dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 and 4) ng Republic Act No. 10863 o The Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on