WebClick Tracer

METRO

Mag-asawa dedo sa sagasa ng container van

Patay ang mag-asawang sakay ng isang tricycle sa Bocaue, Bulacan matapos masagasaan ang sinasakyan ng rumaragasang container van.

Sa inisyal na ulat, kinilala ang mga biktima na sina Jenny at Larry ng Brgy. Tambubong.

Naganap ang insidente bandang 1:00 ng tanghali nitong Lunes, Abril 1, sa harap ng Intercity Gate 1, McArthur highway, Brgy. Wakas.

Nawalan umano ng kontrol ang rumaragasang container hanggang sa mabangga ang tricycle na lulan ang mag-asawang bumili lamang ng sako.

Lasog-lasog ang katawan ng babae na kung saan kumalat pa ang laman loob niya sa kalsada.

Mabilis ang takbo ng container van na kung saan ilang metro pa ang inilayo bago tuluyang huminto kasama ang katawan ng biktimang lalaki na pumailalim, umipit at nagkanda lasog-lasog din ang katawan sa ilalim ng nasabing truck.

Nasa anim ding mga sasakyan ang nahagip ng truck.

Nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng magkabilang-panig ng Mc Arthur highway sa nasabing bayan.

Mahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek. (VP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on