WebClick Tracer

METRO

2 lalaki sinemento sa drum

Nabingwit ng mga mangingisda ang dalawang drum sa ilog ng Busig-on, Purok 3 Barangay Submakin, Labo, Camarines Norte nitong Lunes ng gabi.

At dahil sa mapapakinabanagan umano ang mga nakuhang drum ay nilagyan nila ito ng yanda upang balikan kinabukasan.

Pero dahil mabigat, minabuti ng mga mangingisdang nakilalang alyas Efren na ireport ito sa kanilang mga opisyal ng barangay at sa mga pulis.

Nitong Martes ng hapon, kasama ang mga pulis ay nabuksan ang dalawang drum at laking gulat nila nang bumungad sa kanila ang bangkang ng mga hindi pa nakilalang mga lalaki.

Ang mga bangkay na naka posas at may saklob ang mga ulo ay sinemento ng sa magkahiwalay na drum ng ‘di pa nakilalang mga salarin.

Patuloy pa rin ang inbestigasyon ng Labo PNP upang matukoy ang pagkakakilalan ng mga biktima, maging ng mga salarin.
(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on